Street Foods

    Sa Pilipinas, maraming pagkain ang makikita sa bawat kalye at eskinita. Kahit saan ka mang bahagi ng bansa magpunta, hinding hindi ka magugutom dahil sa mga pagkaing mura na , masarap pa. Iilan na nga sa mga pagkaing ito ay ang Kikiam, Fish Balls , squid balls, chicken balls at higit sa lahat ay ang balut.

    Tuwing hapon hanggang gabi, maraming bata ang mga nagkalat sa mga kalye upang bumili ng kikiam, fishballs , squid balls at chicken balls na isinasawsaw sa mga sawsawang ginawa ng mga nagtitinda . Ang mga nagtitinda ng mga ito ay karaniwang makikita sa mga mataong lugar kaya naman ay hinding hindi mahihirapan ang sino man na humanap ng mga ito. Kadalasang kinakain ang mga ito tuwing meryenda dahil masarap at presyong pang masa . Ang mga presyo ng mga nasabing pagkain ay naglalaro sa lima hanggang sampung piso

1.) Kikiam

     Ang kikiam ay gawa sa pinaghalong baboy at gulay na pinaghihiwa sa maliliit at pahabang mga piraso.


2.) Fishball

      Ang fishballs naman ay isa sa pinakapopular na street food na pinaghalong arina at mga parte ng isda. Ang mga ito ay bilog na di kalakihan at puti ang kulay. Isinasaw ito sa matamis, suka o  di kaya ay maanghang na sawsawan.


     Kapag gabi naman, isa sa mga karaniwang makikita sa daan ay ang mga nagtitinda ng balut. Ang ilan sa kanila ay naglalako at ang ilan naman ay nakapwesto sa isang lugar laman. Balot ang tawag sa nilagang itlog ng itik na naglalaman ng sisiw na 18 araw ang gulang. Sinasabing ito daw ay mayaman sa protina kaya naman ay kinakain daw ito pampalakas ng katawan. Mura lang din ang balut at masarap kainin habang di nakatingin sa loob nito. Ang iba ay kumakain ng sisiw at ang ilan naming mamimili ay hindi. Ang balut ay binabasag at bubukasan at pagkatapos ay sisipsipin ang malinamnam na sabaw nito ay lalagyan ng sukang nakalagay sa bote na may halong suka at sili. 

   Ang mga Pinoy ay mahilig sa street foods o mga pagkaing ibinebenta sa kalye. Katulad nito ay mga kwek kwek, isaw, betamax at iba pa. Mabenta ang ganitong negosyo sa dahilang ito ay mura at madaling kainin dahil nakatuhog ito sa barbeque stick. Ang ganitong pagkain at negosyo sa kalye ay kasama na sa nakagaiang kultura nating mga Pilipino.

    Betamax ay kilalang pagkaing Pinoy na madalas ibenta sa ihawan. Ito ay mula sa nabuong dugo ng manok, hinati at inihaw. Ang dugo ay kilalang malasa. Betamax ang tawag dito sa dahilang kahugis nito ang sinaunang uri ng pinapanooran

   Isaw ay isang popular na pagkaing Pinoy na madalas makita na ibinebenta sa mga ihawan sa kanto. Ito ay gawa sa bituka ng manok, na masusing nilinis at pagkatapos ay itinuhog sa barbeque stick, at pagkaluto ay isinasawsaw sa malasang sawsawan.

                


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento