Pagkaing Pang-Merienda

                   Ang Pagkain ng merienda ay kinagawian na ng mga Pilipino. Nagsimula ito noong sinakop tayo ng mga Espanyol ang buong Pilipinas. Dahil sa mahabang panahong sinakop tayo, inimpluwensyahan tayo ng kanilang paguugali; ang merienda o meryenda. Ang salitang merienda o meryenda ay hango sa salitang Espanyol na tumutukoy sa pagkain sa pagitan ng tanghalian at hapunan. Sa Pilipinas, ang pagkain ng merienda ay kadalasang ginagawa bandang alas-tres hanggang alas-singko ng hapon. Isa ring kagawian  ang pagkain ng merienda sa pagitan ng almusal at tanghalian, na ginagawa bandang alas-diyes ng umaga.

Buko Juice

Buko juice ay makukuha sa katas ng prutas ng Buko na kadalasang tinatanim sa labas na kamaynilaan. Isang napakasarap at nakakapawi sa uhaw, Maaring makabili ng limang piso sa isang baso ng Buko juice. Masarap ikombinasyon sa isang kakanin na kakainin.


· Biko

Biko ay isang pagkaing kakanin na isa sa pinakapopular na pagkaing Pinoy, kadalasang makikita saan mang okasyon lalong-lalo na sa Kaarawan, Pista, Pasko at sa Bagong taon at maari rin itong pagkaing pang merienda. Makakabili nito sa mga palengke at sa naglalako, kadalasang sampung piso lang ay makakain ka na nito. Gawa ito sa malagkit na bigas at kadalasang pulang asukal ang ginagamit bilang sangkap dahil sa mura itong bilhin kaysa sa putting asukal kaya ang biko ay mamula-mula.

·  
  Bibingka


Bibingka ay isang pagkaing kakanin na isang uri ng mamon, ito ay isa sa pinakapopular na pagkaing Pinoy, kadalasang makikita saan mang okasyon lalong-lalo na sa pagsapit ng Pasko at sa Bagong taon at maari rin itong pagkaing pang merienda. Makakabili nito sa mga palengke  at sa labas naman ng simbahan kung sa pagsapit ng pasko, kadalasang dalawangpu’t limang piso lamang ay makakain ka na nito. Gawa ito sa malagkit na bigas o galapong at gatas ng buko, nakapatong sa ibabaw ng uling ang pagluluto nito at pagkatapos ay pinapahiran ng isang matamis na mantekilya.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento