Ang mga Pilipino ay mahilig din sa mga
matatamis na pagkain. Sa
Pilipinas, maraming pagkaing matatamis ang makikita mo sa bawat kalye, bawat
barangay at bawat siyudad! Kahit saan ka magpunta, hinding hindi ka magugutom dahil
ito’y masarap, matamis at nakakabusog pa; Hindi din sayang sa pera!
Banana Cue
Ang
Bananacue ay gawa sa saging na pinrito na may kasamang asukal na kulay
kayumanggi. Nag mga saging na ginagamit dito ay itinatawag na Saba. Ito ay
madalas na itinutusok sa isang manipis na stick
na gawa sa kawayan.
Camote Cue
Ang Camote cue naman ay isa ding sikat na
pagkain dito sa Pilipinas na gawa sa pinaghalong mga hiwa ng kamote at asukal
na kulay kayumanggi. Ito ay piniprito para maluto ang camote at malusaw ang
napakatamis na asukal. Ito din ay isa sa mga pinakasikat na pagkain kasama ang
Banana cue at Turon.
Turon
Ang Turon ay parang isang banana cue,
Saging at asukal ang kailangan pero may isa pa na dagdag na sangkap. Ang Saba
ay ilalagay sa loob ng lumpia tsaka lalagyan ng asukal bago iprito. Ito ay
kinakain habang malutong pa ang Lumpia.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento