Mahilig tayong mga Pilipino sa pagkain.Maraming
mga Pilipino ang kilala sa ibang bansa dahil sa galing sa pagluluto.Ang iba sa
ating mga lutong Pilipino ay namana pa natin sa ating mga ninuno at pinasarap
sa bagong bersyon nito. Ang ilan sa mga sikat at paboritong lutong pinoy nating
mga Pilipino ay Adobo,Sinigang, Dinuguan at marami pang iba.
Adobo:
Isa ang Adobo sa pinakapaboritong ihain ng mga
Filipino sa kani-kanilang hapag kainan dahil sa bukod sa madali itong iluto,
maaari ka ring mag-eksperimento ng iba’t-ibang klase ng luto nito. Nagmula pa
ito sa mga Kastila dahil sagana sa mga panlasa ang pilipinas.
Sinigang:
Ang sinigang ay kilala sa pagiging maasim nito.
Marami ang napapangiwi at napagpapawisan sa init at asim ng sabaw nito.
Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas, katulad
ng sampalok,kamyas o bayabas.
Dinuguan:
Ang Dinuguan ay nagmula sa salitang tagalog na
dugo dahil ito ang pangunahing sangkap nito. Iba-iba ang tawag ng mga Pilipino
dito: dinardaraan sa Ilocano, tid-tad sa Pampanga, dugo-dugo sa Cebuano,
sinugaok sa Batangas, rugodugo sa Waray, sampayna or champayna sa Hilagang
Mindanao and tinumis sa Bulacan at Nueva Ecija gayumpaman iisa lang ang mga
sangkap at sarap nito.
Silog Combos:
Karamihan sa mga Pinoy ay sadyang mahilig kumain. Samu't saring silog combos ang dinadayo sa mga karinderya. Ito ay potahe na may kasamang itlog at isa pang-ulam. Sulit ang pagkaing ito sapagkat marami ang laman nito at mura pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento