KAKANIN

   "Hmm, Ang Sarap!"

       Isa lamang iyan sa mga katagang lumalabas sa bibig ng mga taong nakatikim na ng mga pagkaing Pinoy. Tunay ngang masarap ang pagkaing Pinoy lalo na ang mga kakanin sapagkat ito ay ptok sa ating panlasa.
        Ano ba ang kakanin? Ito ay ang taguri ng mga Pilipino sa mga pagkaing panghimagas na nalikha mula sa pagluluto ng malagkit na bigas. Hindi lamang ito malilikha sa pamamagitan ng bigas. Maaaring gumamit ng kamoteng kahoy, mais, atbp.

       Sari-saring kakakanin na iba-iba ang kulay, lasa, tekstura at hugis ang maaaring malikha kapag ihinalo ang hindi pinulbos o pinulbos na bigas (galapong) o kaya'y ang kamoteng kahoy at iba pa, at ihinalo sa mga sangkap na tulad ng asukal, gata ng niyog at iba't ibang prutas.


      Popular ang kakanin sa buong bansa. Sa Mindanao ay matatagpuan ang mga kakaning kung tawagi'y Amek, Pakbol, tinudok, at Biakey; sa Visayas nama'y naroon ang Moron, Kalamay, Baye-baye; habang sa Luzon nama'y mayroong bibingka, puto-bumbong, suman, tinubong at napakarami pang ibang katawagan sa iba't ibang bahagi ng bansa.

    Madalas rin matatagpuan ang kakanin na inilalako sa mga palengke o bangketa bilang pantawid gutom sa mga taong naglalakad habang hinihintay ang tanghalian o hapunan.


                    Ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng kakanin:


1.)  Biko- ay isang Pilipinong kakanin na gawa sa malagkit na kanin, gatas ng buko ,at "brown sugar" (moscovado). Madalas itong kainin pagkatapos kumain (dessert) o tuwing meryenda.





2.) Suman- Kakaning mula sa malagkit na bigas na isinaing o pinakuluan, hinaluan ng gata ng niyog, at maingat na binalot sa piraso ng dahon ng saging o niyog Popular ang suman sa rehiyon ng Katagalugan, gaya ng Batangas, Laguna, Rizal, at Quezon, gayundin sa Aklan, Bicol,Cebu, Pangasinan, Romblon , at Panay.



3.) Pichi-Pichi - Isa sa mga paboritong panghimagas ng mga Pilipino. Ito ay gawa sa niyog at cassava o kamotang kahoy. Ito ay isa sa mga paboritong ihanda sa mga salu-salo o kahit sa mga ordinaryong araw lamang. Ang pagkaing ito ay nagmula sa probinsya ng Quezon.





     Sa tingin ko'y nasasabik ka nang bumili ng mga kakanin sapagkat natunghayan mo ang ilan sa mga ito. Ang mga ito'y nakabubusog at mura pa. Mabibili ito sa paligid, palengke, mall, at sa iba pang mga lugar. Mahalin natin ang sariling atin.
        


      

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento