Linggo, Agosto 7, 2016

PAGKAING PINOY

    Maraming mga pagkain ang ibinibenta sa ating paligid. Iniibsan nga ba nito ang ating kagutuman? Mura ba at sulit ang ating kinakain? At pinakamahalaga, ito ba ay nagpapakita ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino?

     Maaring lahat tayo ay madalas na kumain sa mga restawran o kainan na ipinakilala  sa ating ng mga dayuhan. Hindi imposible na mas tinatangkilik natin ang kanilang pagkain kaysa sa mga pagkaing ipinamana pa sa atin ng mga katutubo.